Martes, Disyembre 6, 2011

TALAMBUHAY NG MGA BAYANI



MGA BABAENG BAYANI




Hilaria del Rosario Aguinaldo (1877-March 6, 1921) ay ang unang asawa ni Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ang tinaguriang pinakaunang "First Lady" ng Pilipinas at ang unang "Honorary President" ng Philippine Red Cross. Noong taong 1899, itinatag nya ang "Hijas dela Revolucion" na kinalaunan ay nakilala sa pangalang "Asociacion de la Cruz Roja" na naging Philippine Red Cross. Sinoportahan nya ang rebolusyong laban sa mga Amerikano sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga sugatang sundalo at pangangalap ng mga gamot at mga kagamitan na ginamit ng mga sundalong Pilipino. Siya ay nadakip ng puwersang Amerikano noong 1900. http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Hilaria_del_Rosario_Aguinaldo


TALAMBUHAY NI TEODORA ALONZO


Sa mayamang̃ bayan ng̃ Santa Cruz, Maynilà ay dito nakákita ng̃ unang̃ liwanag, ang̃ isáng̃ sang̃gól na babaing̃ tinawag na Teodora, anák ni Kapitáng̃ Lorenzo at ni Gg. Brígada Quintos. Siyá ang̃ mapalad na babaing̃ nakapaghandóg sa Inang̃ Bayan ng̃ Bayani ng̃ mg̃a Bayani, si Gat José Rizal.
Siyá'y buhat sa ang̃káng̃ gisíng̃ ang̃ munì, ang̃ kanyáng̃ nunò si G. Cipriano Alonzo ay isá sa mg̃a máginoó sa bayan ng̃ Biñang̃, Laguna. nagíng̃ mánunukát ng̃ lupà at sumusulát at nagsasalitâ ng̃ Kastilà, Inglés at Pranses, nagîng̃ Kapitan sa bayan, isá sa matataás na katung̃kulang̃ ipinagkakatiwalà sa mg̃a pilipino ng̃ mg̃a panahóng̃ yaón.
Ang̃ mg̃a ninunò sa iná ni Teodora, ay buhat din sa mabuting̃ ang̃kán. Si G. Manuel Quintos, ang̃ amá ng̃ kanyáng̃ iná ay isáng̃ mabuting̃ batà sa «Universidad de Sto. Tomás», at mabuting̃ amá palibhasà ay nagsikap na ang̃ kanyáng̃ anák na si Brigida ay magíng̃ isáng̃ babaing̃ may pinagaralan.
Kahit na ang̃ kaniláng̃ ang̃kán ay nanínirahan sa Kalambâ, si aling̃ Teodora ay ipinang̃anak sa Kamaynilaán, gaya rin ng̃ kanyáng̃ mga kapatid. Sa lahát ng̃ itó áy matitiyák na si Gng̃. Teodora ay buhat sa mabutíng̃ angkan, siyá ay sumilang̃ sa isáng̃ ának na matalino at ang̃ lahát ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasambaháy ay pawang̃ múlat sa dakilang̃ gawî.
Ang̃ una niyáng̃ mg̃a pagáaral ay buhat sa sariling̃ táhanan, at kahit na lubháng̃ mairugín ang̃ kanyáng̃ mg̃a magulang̃ ay hindî siyá iminulat sa layaw, dahiláng̃ kanyáng̃ ikinágisíng̃ sa mabutíng̃ gawî at ipinagsumikap na magíng̃ isáng̃ babaing̃ tang̃ì, may likás na baít at may talino namáng̃ karapatdapat.
Hindî siyá namalagì sa pag-áaral siyá'y ipinasok sa Sta. Rosa sa lilim ng̃ pamamahalà ng̃ mg̃a «Madres de la Caridad» at doón siyá námulat sa pananampalatayang̃ binyagan at ng̃ gawíng̃ magsimbá at gumanáp ng̃ mg̃a katung̃kulan ng̃ isáng̃ mabuting̃ tao.
Niyaóng̃ 1848 ay nakìpagisáng̃ pusò si Gg. Teodora Alonzo kay G. Francisco Rizal y Mercado, at kápuwâ nagsumikap sa ikapanánatili ng̃ kapayapaán sa loób ng̃ táhanan, gaya ng̃ isáng̃ tunay na uliráng̃ magasawa; at ang̃ mg̃a anák ay sunódsunód na nagsiratíng̃ at lalong̃ nagíng̃ maligaya ang̃ kaniláng̃ buhay sa piling̃ ng̃ mg̃a suplíng̃ ng̃ dalisay niláng̃ pagibig.
Silá'y nang̃ágsiunlád sa pamumuhay at sanhî itó nang̃ pagdami ng̃ kaniláng̃ pánauhíng̃ banyagà at kababayan man ng̃uni't nápansín sa kanilá ng̃ labis ang̃ pantáypantáy na kaniláng̃ pagtang̃gáp sa sino mang̃ pánauhín, magíng̃ pantás man at hang̃ál, mayaman at mahirap, banyagà at kalahì man; sa kanilá'y dî nápansin ang̃ pang̃tatang̃ì kay ganitó ó kay gayón, ng̃ dahil sa si gayón ó si ganitó, ay lalong̃ dakilà, mayaman ó marunong̃ kayâ; ang̃ likás na kaugaliáng̃ mapagampon at mapagtang̃kilik ng̃ lahing̃ Tagalog ay naghaharì sa kaniláng̃ táhanan.
Sa pagkainá ni Gg. Teodora, ay nanupád siyá ng̃ gayón na lamáng̃ na kasikapan, upáng̃ ang̃ kanyáng̃ mg̃a sang̃gól ay mápanuto; lubháng̃ mairugin tuwî na at mapang̃alagà; lahát ng̃ waláng̃ malay na tanóng̃ ó paguusisà ng̃ kanyáng̃ mg̃a anák ay tinútugón niyáng̃ lahát ng̃ boóng̃ tamís at liwanag, upáng̃ masiyahán ang̃ mg̃a anák; ng̃uni't kailan ma'y dî nagíng̃ mapagpalayaw. Ginampanan niyá ang̃ tunay na tung̃kulin ng̃ isáng̃ mabuting̃ iná, na, mapang̃alaga sa mg̃a sang̃gól, mapagturò sa kabataan at tapát na kaulayaw at kaibigan ng̃ mang̃agsilaki na at tumuntóng̃ sa ganáp na gulang̃.
Iminulat niyá sa mg̃a anák ang̃ pagsusumikap na mag-isá, at niyaóng̃ si Gat. Rizal ay aapatín taón pa lamáng̃ at nahihirapang̃ bumasa ng̃ kanyáng̃ Katón ay boóng̃ tamis niyáng̃ sinabi ang̃ gayarí. «Paáno ka kung̃ di makapagsisikap na mag-isá. Maáari kayáng̃ lagi kang̃ nakasandál kang̃inó man? Sikapin mong̃ mag-isá kang̃ magáral at gumawang̃ tiwalag sa ibá, sa gayón ay matataya mo ang̃ sariling̃ lakás at masasanay kang̃ mag-isá sa mg̃a gawain». Nagíng̃ kasayaháng̃ loób ni Gg. Teodora ang̃ manoód sa kanyáng̃ mg̃a anák na bukód bukód ng̃ paggawâ, tila bagá niyá nákikikita sa gayon ang̃ malakíng̃ katamisan ng̃ isáng̃ kasarinlan sa paggawâ man lamang̃.
Teodora Alonzo and husband, parents of Jose Rizal
Tuwî na'y sinalitâ niyá sa kanyáng̃ mg̃a anák kung̃ gabí ang̃ mg̃a buhay ng̃ mg̃a dakilang̃ tao, ó ang̃ mg̃a buhay kayáng̃ may lulang̃ mg̃a dakilang̃ aral, upáng̃ bago matulog ang̃ mg̃a anák ay mábaon sa pagtulog ang̃ mabubuting̃ hinuhà. Sinikap niyáng̃ isatagalog ang̃ mg̃a manining̃níng̃ na buhay ng̃ kanyáng̃ nálalaman, upáng̃ maliliit pa ang̃ mg̃a anák ay makatahô na ng̃ mg̃a dakilang̃ huwaran. Sinikap niyáng̃ ang̃ mg̃a anák ay magharap sa kanyá tuwî na ng̃ násusulat na hinuhà sa kanyáng̃ mg̃a kasaysayang̃ ibinubuhay kung̃ gabi, at kanyáng̃ isinasaanyô ang̃ mg̃a kamalian, at sa ganitóng̃ paraan sa gulang̃ na siyam na taón, ang̃ anák niyáng̃ Pepe, ay nagharáp sa kanyá ng̃ isáng̃ Duláng̃ Tagalog na kinágiliwang̃ labis ng̃ Kápitan sa bayan ng̃ panahóng̃ yaón.
Niyaóng̃ taóng̃ 1898, ay nabalo siyá sa ginigiliw na asawa, at náparagdág sa kanyáng̃ pagtang̃is na magdádalawáng̃ taòn na sa pagkakaputi ng̃ buhay ng̃ mahál niyáng̃ anák na si Dr. Rizal, ang̃ pagkamatáy ni G. Francisco Rizal at Mercado.
Niyaóng̃ 1907, sa pasimuláng̃ Pulong̃ ng̃ unang̃ Kapulung̃ang̃ Bayan, ay hinandugan si Gng̃. Teodora Alonzo ng̃ mg̃a parang̃ál at inalayan siyá ng̃ maraming̃ salapî bilang̃ tulong̃ sa kanyáng̃ katiisan, ng̃uni't hindî niyá tinang̃gáp at pinating̃kád niyáng̃ ang̃ kaniláng̃ ang̃kán ay hindî nagmámahál sa Lupáng̃ Tinubuan ng̃ dahil lamáng̃ sa salapî. At niyaóng̃ iká 16 ng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1911, ang̃ banal na Iná ng̃ dakiláng̃ Bayani, ay pumisan sa kanyáng̃ mg̃a kapilas ng̃ buhay at sumapayapà sa kaharian ni Bathalà.
Ang̃ paglilibing̃ sa kanyá ay ginanáp niyaóng̃ iká 19 ng̃ Agosto, at ang̃ mg̃a matataás na kagawád ng̃ Pámahalaán ay nakipaglibíng̃ na pawà, tandâ ng̃ isáng̃ pakikidalamhating̃ lúbusan sa kanyáng̃ pagpanaw sa bayang̃ itó ng̃ mg̃a dalamhatì.
Bilang̃ aláala sa kanyáng̃ pang̃alan, ang̃ dating̃ daáng̃ «Aranque» ay pinalitan ng̃ «Teodora Alonzo».

Espiridonia Bonifacio (14 Disyembre 1875 – 26 Mayo 1956) ay isang Katipunera na asawa ni Teodoro Plata. Siya ang nakababatang kapatid nina Ciriaco at Procopio na mga anak ni Andres Bonifacio. Si Espiridonia ang lihim na kumukuha ng armas ng mga Espanyol, na kanyang itinatago sa pamamagitan ng kanyang malaking saya.

> Agueda Esteban

Agueda Esteban
Agueda Esteban
Si Agueda Esteban (9 Pebrero 1868 – 1944) ay isang babaeng katipunero, na siyang tagabili ng bala at pulbura sa Maynila. Dinadala niya ito sa kaniyang asawa na noon ay nasa Cavite.
Si Esteban ay isinilang sa BinondoMaynila. Siya ay ikalawang anak nina Ambrosio Esteban na tubong Ligaw, Camarines Sur, at Francisca de la Cruz ng Cainta, Rizal. Nanirahan ang kaniyang mga magulang sa Binondo pagkatapos ng kanilang kasal. Si Agueda at ang kaniyang mga kapatid ay tinuruan ni “Maestrang Bulag”, na isang tindera ng dahon ng ikmo at tabako. Dahil sa kahirapan, hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang magulang. Naipagpatuloy ni Esteban ang pag-aaral sa tulong ni Doña Vicenta de Roxas. Sa paaralan, naging mahusay na estudyante si Esteban, na ikinatuwa ng kaniyang mga guro at ni Doña Roxas. Ikinasal si Esteban kay Mariano Barroga, na tubong Batac,Ilocos Norte, na isang mayordomo sa bahay no Doña Vicenta. Ang mag-asawa ay biniyayaab ng tatlong anak na sina Catalina, Adriana, at Anastacia.

Nang sumiklab ang aklasan laban sa mga Espanyol, sumali si Mariano na asawa ni Estaban sa Katipunan. Kilala si Mariano bilang tungkod, na responsable sa mga pag-atake sa mga kuta ng Espanyol sa San Juan del Monte, Montalban at Marikina. At nang inilipat si Mariano sa Tangos, Cavite, isinama niya ang kaniyang pamilya.

Bilang asawa ng isang Katipunero, si Esteban ay naging katuwang sa mga aktibidad ng kaniyang asawa. Sila ay bumabiyahe patungong Maynila, upang bumili ng mga materyales at mga bala na ginagamit ng mga Katipunero. Si Esteban ang siyang nagdadala ng mga gamit na ito, at kinailangan pa niyang umakyat at maglakbay ng malayo upang masiguro na makarating ang mga gamit sa mga Katipunero.

Nang magsimula ang pananakop ng mga Amerikano, si Esteban ang tagadala ng liham para kay Hen. Artemio Ricarte, na nagmula sa kaniyang asawa. Siya ang pinagkatiwalaang magdala ng mahahalagang dokumento at ng mga planong pag-atake sa mga instilasyon ng Espanyol. Ang kaniyang mga aktibidad ay hindi man lamang pinagsuspetsiyahan ng mga Espanyol dahil siya ay isang babae.

Lingid sa kaalaman ni Esteban, siya ay pinaghinalaan na ng mga Espanyol na nakikikutsaba sa mga Katipunero, kaya lihim na pinasusubaybayan ng mga awtoridad. Isang gabi, nagtungo ang mga kawal ng Espanyol sa bahay ni Esteban, at doon natuklasang may mga itinatagong granada sa loob ng bahay ni Esteban na kalimitan niyang dala sa kaniyang mga lakad. Masuwerteng wala noon sa kaniyang bahay si Esteban. At noong 1 Hulyo 1900, magkakasamang naaresto sina Esteban, Barroga at Ricarte sa Calle Anda. At Noong 16 Pebrero 1901, ang kaniyang asawa at iba pang rebolusyonaryo ay ipinatapon sa Guam. Si Estaban ay nanatili sa Maynila kasama ng kaniyang tatlong anak. Napilitang ipaampon sa Hospiscio de San Jose ang kaniyang mga anak dahil nahihirapan na siyang buhayin ang mga ito. Naiwan sa kaniya ang kaniyang anak na si Salud, at nagtinda na lamang ng alahas hanggang makabalik ang asawa. Nobyembre 1902 nang mamatay ang esposo niyang si Barroga, at nakapag-iwan pa ito ng isa pang anak na lalaki, na pinangalanang Artemio, bilang pagkilala kay Hen. Artemio Ricarte.

Noong 1910, nagtungo si Esteban sa Hong Kong upang dalawin si Heneral Ricarte, na noon ay nadestiyero sa ikalawang pagkakataon, matapos tumangging lumagda ng kasunduan sa mga Amerikano. At Mayo 1911, si Esteban at Heneral Ricarte ay nagpakasal at nanirahan sa isang isla ng Lemah. At nang magsimulang paalisin ng pamahalaang Briton ang mga pinatapong Filipinon sa Hong Kong, noong magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Esteban at ang kaniyang pamilya ay ipinadala sa Shanghai, bago nagtungo sa Japan. Noong 1921, ang pamilya ni Esteban ay lumipat sa Tokyo, at doon nagturo ng wikang Espanyol. At noong Abril 1923, muling lumipat sa Yokohama ang pamilya ni Esteban, at doon nanirahan at nagtayo ng maliit na kainan. Nanatili sila doon nang 18 taon, kasama ng kanilang anak at mga apo. Bumalik si Esteban sa Filipinas nang sakupin ito ng mga Hapones, at doon na rin siya namatay. http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Agueda_Esteban

Nazaria Lagos

Si Nazaria Lagos (28 Agosto 1851 – 1945), na tinaguriang “Florence Nightingale ngPanay” bagaman mabuway ang gayong tumbasan, ay naging pinuno ng Red Cross sa Visayas. Siya ang unang nars at direktor ng ospital ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng digmaan, at kumalinga sa mga dukha.

Matea Rodriguez

Si Matea Rodriguez (24 Pebrero 1835 – 22 Enero 1918) ay isang mayamang Filipino. Ibinahagi niya ang kaniyang damit, pagkain, at kayamanan sa mga tauhan ni Hen. Maximo Hizon ng Pampanga.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Matea_Rodriguez

Adriana Sangalang


 Adriana Sangalang (8 Setyembre 1868 – 12 Disyembre 1942) ay isang babaeng bayaning Filipino. Asawa siya ni Don Tiburcio Hilario, na isang rebolusyonaryo.
Napatunayan ni Sangalang ang kaniyang katapatan at pagmamahal sa bayan, nang iutos niyang sunugin ang mga dokumento ng rebolusyonaryong samahan, na nakatago sa kanilang bahay, upang hindi makita ng mga Amerikanong sundalo, na noon ay hinahaluglog ang kanilang bahay. Ang mag-asawang Sangalang at ang ilang kamag-anak, ang siyang gumagamot at nagpapakain sa mga rebolusyonaryo sa lalawigan ng Tarlac at Pampanga. Nang matuklasan ng mga Amerikano ang kanilang mga aktibidad, iniutos ng mga Amerikano na sila ay dakipin kasama ng kanilang mga kamag-anak na may kinalaman sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo. At habang si Sangalang at kaniyang asawa ay hinahabol ng mga Amerikano, si Don Tiburcio Hilario ay nahuli, at sapilitang pinanumpa ng kaniyang katapatan sa pamahalaang Amerikano.

Gliceria Marella Villavicencio

Si Gliceria Marella Villavicencio (13 Mayo 1852 – 28 Setyembre 1929) ay kabilang sa pamosong Filipino, na ibinigay ang kaniyang yaman, oras, talino, at pagpupunyagi, upang matulungan ang mga rebolusyonaryo noong Rebolusyon sa Filipinas.

Isinilang si Gliceria sa Taal, Batangas, kabilang ang kaniyang pamilya sa kanilang bayan, na asawa ni Eulalio Villavicencio na isangkatipunero. Si Gliceria at ang kaniyang asawa ang nagpondo sa kilos propaganda laban sa mga mananakop, kasama siyang namamahagi ng mag pulyeto at mga sipi ng La Solidaridad.
Nang madakip ang kaniyang asawa ng mga mananakop, hindi niya ibinigay sa mga ito ang mga mahahalagang dokumento at kaniyang mga nalalaman sa Katipunan. At nang mamatay ang kaniyan asawa, ginawa niyang punong himpilan ng mga rebolusyonaryo ang kaniyang bahay. Ibinigay din niya ang barkong Bulusan, kay Hen. Emilio Aguinaldo, upang magamit ng kaniyang mga sundalo na magtutungo sa Bicol atVisayas. At nang sumiklab ang Digmaang Filipino-Amerikano, si Gliceria at ang kaniyang pamilya ay ipinadala sa Maynila, at kinumpiska lahat ng kaniyang pag-aari ng mga Amerikano. Ang kaniyang bahay na noon ay ginagamit bilang himpilan ay ginawang hospital ng mga rebolusyonaryo.
Pinangalanan siya si Hen. Emilio Aguinaldo na “Pinunong Babae- Heneral ng mga Rebolusyonaryo” (Madina-General de las Fueras Revolicionarios), noong 12 Hunyo 1898, dahil sa kaniyang mga naging ambag sa rebolusyonaryo.

Gabriela Silang

Gabriela Silang (Picture from ([1]).
Gabriela Silang (Picture from ([1]).
Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o Gabriela Silang, ang tinaguriang “Joan d'Arc ng Ilocos”, ay isa sa mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng rebolusyon.

Buhay

Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay isang Ilokanong magsasaka samantalang ang kanyang ina ay isang katulong na Itneg mula sa Piddig, Abra. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, inampon siya ng isang mayamang negosyante, si Don Tomas Millan. Ang mayamang Don ang kanyang napangasawa. Matapos ang tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi sila biniyayaan ng anak at pagkalipas ng ilang taon ay namatay si Don Millan. Noong 1757, nakilala at pinakasalan ni Gabriela si Diego Silang. Naging kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Ngunit sa kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan ni Diego ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Dahil dito, lalo pang isinulong ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang mga Pilipinong rebelde para sa pakikipaglaban nila sa hustisya at kalayaan. Itinuloy nila ang pag-aalsa sa Ilocos at nilusob ang ilang garison upang makaipon ng sandata.
Noong 10 Setyembre 1763, binalak ng grupo ni Gabriela na salakayin ang Vigan. Ngunit napaghandaan ng mga kastila ang kanilang pagdating. Umabot sa halos 6000 ang mga Espanyol samantalang 2000 lamang ang mga tauhan ni Gabriela. Nagapi ang marami sa mga kasamahan ni Gabriela. Kasama ang kanyang tiyo at ang pito pa niyang mga kasamahan, sila lamang ang nakaligtas at tumakas.
Noong 20 Setyembre 1763, nadakip si Gabriela pati ang kanyang mga kasamang rebelde at pinugutan ng ulo sa Plaza ng Vigan, Ilocos Sur.

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Gabriela_Silang

Josefa Llanes Escoda

Si Josefa Llanes Escoda (Setyembre 201898 – Enero 61945) ay isang kilala Pilipinang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa Pilipinas (kabilang ang panghalalan) at tagapagtatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas (Girl Scouts of the Philippines).

pinanganak si Escoda sa DingrasIlocos Norte. Siya ang pinakamatanda sa pitong mga anak nina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Isa siyang balediktoryana sa mababang paaralan at [[salutatoryana] sa Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte. Nag-aral siya sa Paaralang Normal ng Pilipinas sa Maynila upang makamtan ang kanyang degri sa pagtuturo, at nagtapos ng may mga parangal noong 1919. Habang naghahanapbuhay bilang isang guro, nagkamit siya ng katibayan sa pagkaguro sa mataas na paaralan mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1922.
Pagkaraan makatanggap ng katibayan sa pagkaguro, naging isa siyang manggagawang panlipunan para sa Kabanatang Pampilipinas ng Amerikanong Pulang Krus(isang kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas noong panahong iyon). Binigyan siya ng Pulang Krus ng isang iskolarsip sa Estados Unidos, kung saan nakapagkamit siya ng degring masteral sa Sosyolohiya.
Sa unang paglalakbay niya sa Estados Unidos, habang nasa Pandaigdigang Liga para sa Kapayapaan ng mga Kababaihan (Women's International League for Peace) noong 1925, nakatagpo niya si Antonio Escoda, isang reportero mula sa Tanggapan ng Pagpapahayag ng Pilipinas (Philippine Press Bureau) na pinakasalan niya sa paglaon. Nagkaroon sila ng dalawang mga anak, sina Maria Theresa at Antonio. Noong 1925 din, nakatanggap siya ng Degring Pang-master sa Gawaing Panlipunan mula sa Pamantasan ng Columbia.

Nagbalik siya sa Estados Unidos noong 1933 upang sumailalim sa pagsasanay kaugnay ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Estados Unidos na may pagtangkilik ng Mga Lalaking Tagapagmanman ng Pilipinas. Pagkaraan nito, bumalik siya sa Pilipinas upang sanayin ang mga kabataang babae upang maging mga pinunong Tagapagmanmang mga Batang Babae, at pagdakang nagpatuloy sa pagtatatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Noong Mayo 26,1940, nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang karta o tsarter ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Si Escoda ang naging unang Pambansang Tagapagpatupad ng pangkat na ito.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilusob ng mga puwersang Hapones ang Pilipinas. Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, at inaresto rin siya pagkaraan ng dalawang buwan, noong Agosto 27. Ibinilanggo siya sa Kutang Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng kanyang esposong si Koronel Antonio Escoda, na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944, kasama ni Heneral Vicente Lim, na nakulong din sa piling ng koronel. Huling nakita si Josefa Escoda noong Enero 6, 1945. Pagdaka, kinuha siya at ikinulong sa isa sa mga gusali ng Pamantasan ng Dulong Silangan (Far Eastern University'' na ginagamit ng mga Hapones. Pinaniniwalaang pinarusahan siya ng kamatayan[1] ng mga Hapones at inilibing sa isang walang tandang libingan sa loob ng Libingan ng La Loma, na ginamit ng mga puwersang Hapones bilang isang paslangan at libingan para sa libu-libong mga Pilipinong lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.

Isang lansangan at isang gusali ang pinangalanan para sa kanya, at isang bantayog ang inilaan para sa kanyang alaala. Inilagay din ang kanyang wangis sa pangkasalukuyang P1,000 salaping papel ng Pilipinas, bilang isa sa tatlong mga Pilipino naging martir sa ilalim ng mga kamay ng mga Sandatahang Lakas ng Hapon.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Josefa_Llanes_Escoda

Marcela Agoncillo



Si Marcela Mariño de Agoncillo ipinanganak sa TaalBatangas noong Hunyo 241860 kina Franciso Marino at Eugenia Coronel. Siya ang tinaguriang ina ng watawat ng Pilipinas. Sinasabing kung ano raw ang ganda nang watawat ng Pilipinas, iyon din ang gandang bibighani sa iyo kapag masilayan mo ang may katha. Tapat na may bahay ni Don Felipe Agoncillo. Sa Araw ng Asunción, Mayo 301946; pinanawan ng buhay si Marcela Agoncillo, sa gulang na 86.

1 komento:

  1. Fair Play casino - xn--o80b910a26eepc81il5g.online
    Fair Play casino 메리트카지노 - xn--o80b910a26eepc81il5g.online · Sports Betting - casino - online casino 메리트카지노총판 - 인카지노 online casino - sportsbetting.io |

    TumugonBurahin